Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kung sakaling handa ka na,
Buksan mo ang iyong mata,
Tingnan ang matagal mong hindi nakita,
Mga ngiti sa labi ng iba,
Na dulot ng iba’t ibang uri ng saya.
Kung sakaling handa ka na,
Buksan mo ang iyong kamay,
Halina’t tayo ay maglakbay,
Tahakin ang landas ng may gabay,
Dagdagan ang alaala na matagal ng matamlay.
Kung sakaling handa ka na,
Buksan mo ang iyong isipan,
Hayaan mo na ito ay paalalahanan
Na ang buhay ay di natatapos pag nahirapan,
Bagkus dapat may aral na matutunan.
Kung sakaling handa ka na,
Buksan mo ang iyong puso,
At huwag ka ng tumingin sa malayo,
Ngunit paano kung handa ka na,
At sa iyong pagkakabuo ay iba ang iyong nakita?
Patawarin mo ako, nais ko lang maging maging masaya ka
Di kita pipigilan, mahal kita ngunit mahal mo siya.
Mamahalin kita kahit mahirap at di ako aasa,
Pakiusap, wag kang malungkot sapagkat di ko gugustuhin na ito ay iyong madama,
Punuin mo ang iyong puso at isip ng pagibig na hatid ay di maipaliwanag na ligaya,
Paalam aking sinta, hanggang sa muling pagkkita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required