smart

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isang tula para sa isang taong mula no’ng unang pagkikita.

Tatlong taon na rin mula nung una kitang nakilala
Unang inimbetahang maging kaibigan sa makabagong teknolohiya
Facebook kung tawagin ng madla
Ngunit di man lang nagusap matapos ma aksepta

Matapos ang ilang buwan ay kinulit ako ng iyong kaibigan
Sabi niya ay ichat ka kasi ikaw ay nasa kanilang tahanan
Dun tayo unang nag Hi/Hello ang usapan
Ngunit hanggang dun lang at di na naragdagan
Akin namang namalayan
Di pala tayo nagkukumustahan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa di inaasahang pagkakataon
Tayo ay nagkausap matapos ang dalawang taon
Inimbitahan akong maglaro ng badminton

Ilang araw bago ang laro
Minsan ka pang nanukso
Sinabi mong gusto mo ng Ally Mango
Pero buti nalang di mo tinotoo
Kasi kunti lang yung pera ko

Gusto ko ring sanang sabihin to
Matapos ang isang taon mula nong chinat mo’ko
Makikita ko na rin yung mukha mo 😂
Kita ko naman sa facebook profile mo
Pero naexcite ako kung sa personal ano yung magiging reaksyon ko

Dumating yung araw ng laro
Araw ng Sabado
Eksayted na’ko
Nagkita-kita muna kami ng mga kaibigan ko
Pero nauna na’ko
Kasi gusto kong mas maaga ako sa’yo
Para mas makita ko yung pagdating mo

AYON!
Di ko sinayang ang pagkakataon
Nakita kitang naglalakad kung saan kami naroroon
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun
Ang ganda ng bungad ng aking hapon
Nagkasama pa tayo sa isang laro ng badminton

Di mo siguro namalayan
Pero hindi kita halos matigilang titigan
Iniiwasan ko lang na ako’y mabantayan
Ng mga kaibigan mong kasama natin sa palaruan

Mula no’ng araw na yun
Tila ayaw kong ma miss ang pagkakataon
Pag inimbitahang maglaro ay sinisiguro kong ikaw ay nandun

Tayo ay naguusap ng matagalan
Di natin namamalayan
Hanggang sa antok ay maabutan
At salamat at sinamahan mo’ko sa akyatan

Unang bundok na ikaw ay kasama
Dun mas lalo kitang nakilala
Pasensya na at di kita nasabihan kung ano dapat yung dala
Mas na excite kasi akong ika’y makita

Sobra ang aking sayang nadarama
Sa tuwing ang nakaraang convo natin ay aking binabasa
Mga litratong pinagpapalitan nating dalawa
Mga binabahagi nating sariling storya

Hinding-dindi ko makakalimutan ang araw na una kitang nakita
Sa araw na yun una akong namangha sa taglay mong ganda
Na kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa
Paulit-ulit kong sasabihin sa’yo kahit araw-araw pa

SALAMAT ULI AT PINILI MONG MAGING MASAYA
SALAMAT AT PINILI MO KO UPANG SAYO’Y MAGPASAYA
SALAMAT SA BINIBIGAY MO SAKING SAYA

DI NA’KO MAKAPAGHINTAY NA MAKITA KANG NAKASUOT SA MAHABANG PUTING DAMIT NA MAY SAYA

MAHAL KITA AKING JOANA!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required