Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

‘Wag kang magugulat kung isang araw ako ay tuluyan nang bumitaw. ‘Wag kang magtataka kung ako ay wala na sa tabi mo at kusa nang lumayo. Wag kang maguguluhan kung kakalimutan na kita pati na ang pinagsamahan nating dalawa.

‘Wag mo na akong hahabulin pa at pipiliting bumalik. Kasi kapag nangyari ang mga ito, nakapagdesisyon na ako — buo na ang pasya ko.

Ito na marahil ang pagkakataon — pagod na ako.

Hindi naman sa ako ay sumuko. Panahon na siguro para ako ay matuto; kung paano magpahalaga sa sarili ko.
Sa ‘yo kasi hindi ko na makita ang lugar ko.

Hindi na ako yung dating marupok na kahit ikaw ang may kasalanan, walang magaganap na suyuan kapag hindi ko sisimulan. Hindi na ako yung dating mauunang tawagan ka, kakamustahin ka at magpapaalala. Hindi na ako yung dating hindi kaya ng wala ka.

Kapag nangyaring bumitaw ako — nahanap ko na ang sarili ko na naligaw sa maling tao.