Kasalanan ng ulan
Categories Relationships

Kasalanan ng ulan

Gusto kita
Alam ko namang alam mo na
Pero ang di ko alam
Ay kung pareho ba
Pareho ba?
Pareho ba nating hinihintay ang susunod na araw na tayo’y magkikita? 
Pareho bang nagbibilang ng buwan kung kailan muling magkakasama?
Pareho bang nagnanais na makausap kahit siguro ilang minuto lang?
Pareho bang ang simpleng presensya lamang ay sapat na para mabuo ang araw?
Siguro nga masyado pang mababaw yung mga pwedeng pagbasehan
Pero sa totoo lang ‘di ko rin maintindihan
Bakit ganito na lang kalalim ang nararamdaman
Bakit simpleng tingin mo lang tumatahimik ang lahat
Sa totoo lang desperada mang pakinggan 
Gustong-gusto ko nang malaman
Kung ano ba ang iyong nararamdaman
Posible ba? 
Posible bang hindi lang ako ang interesado kung anong nangyari sa iyong araw
Masaya ka ba nitong mga nakaraang buwan? 
Maayos ba ang iyong kalagayan? 
Sana hindi ka nasasaktan 
Ang dramang pakinggan 
Siguro nga dahil na rin sa ulan
Masyado akong nadadala ng nararamdaman
Minsan gusto ko ring pigilan kasi ayaw ko rin namang masaktan
Pero kung pagiging totoo lang ang usapan
Gusto ko ring iyong malaman
Na sa dami ng nakakasalamuha sa bawat araw
Ikaw lang ang gustong mahagkan
Mga kantahan mo lang ang gustong pakinggan
Ngiti mo lang ang gustong masulyapan
Presensya mo lang ang gustong maramdaman 
Mata mo lang ang gustong matitigan 
Kaya lang kahit gaano ko gustong iparamdam
Wala akong magagawa kundi maghintay lang
Gaano pa kaya katagal
Yung araw na malalaman ko kung ano ba talaga ang iyong nararamdaman
Minsan pinagdarasal ko na sana maging akin ka
Oo nakakatawa pero ewan ko ba
Mas madalas pinagdarasal ko na sana okay ka 
Na masaya ka
Na hindi ka nasasaktan
Na may kaibigan kang laging maiiyakan
At makukwentuhan kung anong nangyari sa iyong araw 
At kung may nagugustuhan ka na ba, sana gusto ka rin niya
Ang impokrita pakinggan pero di ko rin alam
Basta ayaw ko ng ideya na malungkot ka
Ang gusto ko maging masaya ka
Ayun lang okay na kahit di ako kasama
Kung sakali ngang may iba ka nang nagugustuhan
Syempre nakakapanghinayang
Pero wala eh ganun talaga 
Di ko naman hawak ang iyong kapalaran
Pero iniisip ko na kung sa susunod kaya nating pagkikita
Ganito pa rin kaya ang nararamdaman?
O baka pareho na? 
Pareho na tayong may iba?