Kasi mahal kita kahit alam kong mali

142

Noong dumating ka, nagbago ang lahat. Hinayaan kitang makapasok sa buhay ko. Kahit natatakot ako, kahit alam kong hindi kita pwedeng mahalin, pinili ko parin na mapalapit sayo. Pinaglaban ko yung takot dto sa dibdib ko para lang makasama ka.

Ngunit sa isang iglap lahat ng pangarap ko para sa ating dalawa ay naglaho. Nakita mo sya,nakausap mo sya. Naisip mo na mas interesting sya kesa sa akin kaya iniwan mo ako. Hinabol kita, nagmakaawa ako na wag mo akong tulungan. Ngayon, naiwan na naman akong bigo. Di alam ang gagawin. Saan at paano mag uumpisa.

Kung sana mas maganda lang sana ako, kung mas interesting lang ako kausap kesa sa kanya. Kung sana ginawa ko lang ang lahat to keep you. Edi sana di ito mangyayari. Edi sana di mo ako iniwan. Edi sana naging masaya tayong dalawa ngayon. Mahal.Minahal. Iniwan. Sinaktan. Di naging sapat pero naging tapat kahit na ginawa lahat.