Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa linggong kayganda
Bukod tanging naaalala
Ang masasayang araw na kasama ka Ina,
Panahon kung saan hindi ka pa kinukuha
Nang Diyos nating dakila.

Hindi ko man nasaksihan
Punto ng iyong pag-aagaw buhay.
Ngunit sa aking kalooban,
Ito’y damang dama at pilit nananahan.

Sa dagliang mong pagpanaw
Yaring kalooba’y wari’y natutunaw
Nagdulot ng pagkabalisa,
Lungkot, Lumbay,kirot at pangungulila.
Sarili’y laging tinatanong kaya ko kaya?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ngunit sa kabilang banda
Ika’y aking naging inspirasyon na.
Nagbigay linaw
Tungo sa mga bagong pananaw.

Wala ka man sa aking tabi
Nangangakong pag-aaral aking ipagbubuti
Upang ika’y mabigyang ngiti
At ako’y iyong maipagmalaki.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required