Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kilala mo ba si Saun? O baka ikaw si Saun?

Sure akong kilalang kilala mo sya, mula ulo hanggang paa pati likaw ng bituka.

Si Saun. Sya yung tipo ng taong SA UNa lang magaling. SA UNa lang lahat maayos ang pangako nya. SA UNa lang pursigido sa’yo. SA UNa ka lang mahalaga sa kanya. SA UNa lang takot na mawala ka. SA UNa lang tapat sa’yo at higit sa lahat, SA UNa lang pala yung pagmamahal nya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Siya yung tipo ng tao na habang tumatagal naglalaho na. Mapapansin mo naman yun sa kanya. Tinitake for granted kana lang at puro excuses na. Kung no’ng una, ikaw ang princesa nya. Ngayon ay hindi na. Kung no’ng una ay sinusuyo ka. Ngayon ay malabo na.

Saun. SA UNa ka lang pala magaling. Sana hindi mo na lang ginulo ang buhay ko. Hindi mo naman pala ako kayang panindigan hanggang dulo.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required