Current Article:

Kilig kilig lang, Ang pinagbabawal na teknik at paano iwasan: Tips and tricks

Kilig kilig lang, Ang pinagbabawal na teknik at paano iwasan: Tips and tricks
Categories Relationships

Kilig kilig lang, Ang pinagbabawal na teknik at paano iwasan: Tips and tricks

Naranasan mo na bang mabudol ng shopee, o kaya ay makabili ng di mo namang plinanong bilhin nung pumunta ka ng mall? Masaya naman diba? Sa umpisa.Darating ang panahon na masasabi mo na bakit ko ba ito binili, di ko naman pla magagamit… Parang sa isang relationship. Sa umpisa ang saya nyo pa. Nag chachat, nag call/ video call, voice messages, nag date, nag haharutan, kulitan, kwentuhan, inisan at mga bagay kahit pag utot ay kinikilig ka.Ang saya.Tapos. Nagsimula nang magkatampuhan, inis, ingit, selos, asar at hangang di na mag pansinan…Masakit dito katulad ng budol ng shopee may na invest na, di man pera pero sure ako merong emosyon.Kaya kailangan natin malaman ngayon, ano nga ba ang pinag kaiba ng Temporary love v.s. True love?Ang tempory love ay emotion based feeling, yung mahal mo lang sya pag okay sya, pag masaya pa, pag may kilig or spark(sarap kuryentihin mga 120 volts kagigil). Eto rin yung madalas masaya lang sa umpisa pero ayaw ng commitment sa dulo.Red flag🚩🚩🚩🚩.Kaya ito ang lima(5) sa madaming mga palatandaang emosyon lang yan:
  1. Sobra care pero friends lang daw. The knight and shining armor. nag invest ka na sa kanya, kahit walang kasiguraduhan. to the moon pa ang limit.
  2. Nag seloso ka pero di kayo. Ayaw nya na may iba ka kauspap bukod sa kanya. Pero di kayo.
  3. Minsan nag tatago kayo bilang “best friend” mo na opposite sex. Tropa daw kayo ng mas malalim. Walang malisya.
  4. The chatmate na mag “Good morning, kamusta, tapos kumain kana ba?”, Pero iba sa personal. walang plano, puro kwento.
  5. Always Updated as a friend.
Ang true love ay decision based feeling, yung mahal mo sya kase nag desisyon kang mahalin sya kahit na sa point na hindi sya kamahal mahal. Kailangan nating mainitindihan na ang emosyon ay laging may limitasyon. maaring sobrang taas at maaring sobrang baba. eto ang kabaligtaran ng decision na pipiliin kang mahalin kahit sa pinakamababang parte ng iyong buhay. madalas mang napagpapalit ay malaki ang pinagkaibahan nitong dalawa.Kaya ito ang Lima(5) sa maraming palatandaan nag desisyon ka nang mahalin sya:
  1. Klaro ang lahat, sinabi ang intensyon at may plano. hindi lang yung “Bahala na si Batman” dahil walang kinalaman si batman sa inyong dalawa.
  2. Pipiliin mo laging mahalin sa masaya at mahirap na panahon. madalas kahit hindi na kamahal mahal yung tao, pipiliin mo paring piliin sya.
  3. Handa mong ipaglaban kahit madalas ikaw nalang ang lumalaban. pero dahil mahal mo pag ayaw na na talaga handa mo ding pakawalan at hayaan siyang maging masaya (Pero ibang usapan na kung KASAL na kayo).
  4. Tutulungan nyo ang isat isang mag grow.
  5. Pag nasabi mo nang “Pakakasalan kita”.
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.8 Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.1 Corinthians 13:4–8
Pero alam nyo yung kung gusto nyo makita yung totoong demonstrasyon ng True love, Tingin lang tayo sa CROSS. si Hesus, pinili nyang mahalin tayo kahit di tayo kamahal mahal.
“We love because he first loved us.”1 John 4:19
Binigay nya ang kanyang buhay para maisalba tayo sa kasalanan.isipin mo yon. mahal ka ni Hesus na pinako sa cross, namatay at muling nabuhay para sayo, tapos mag stay ka sa kilig kilig lang? sana makapag isip isip ka.Dasal ko sayong nakakabasa nito, nawa una mong maramdaman at makita kung gaano ka kamahal ni God. mag karoon kayo ng relasyon at hindi ka mag sawang ipaglaban ang relasyon nyo dahil mahal mo sya at mahal ka Nya.Amen.