Alam mo yung feeling ng may gusto kang sabihin, pero hindi pwede? Alam mo yung feeling ng gusto mong magkahawak ang kamay nyo, o palagi kayong magkausap, o pwede mo syang yakapin kahit kelan mo gusto?
Hindi diba? Hindi mo alam kasi hindi mo naman nararamdaman ung katulad ng nararamdaman ko. Hindi mo naman alam na sa bawat message mo, yung puso halos tumalon sa tuwa dahil, “finally! Kakausapin na nya ako ulit!” Na kahit na mas marami yung topics natin about sa mga personal problems lang natin, masayang masaya pa din ako. Na kahit minsan mo lang ako kausapin kapag mabigat na yung nararamdaman mo.
Okay lang yun, wala naman akong problema dun. Wala din akong reklamo. Masaya pa nga ako dahil ako yung taong naiisip mo kapag may problema ka, dahil alam mong mapapagaan ko yung loob mo. Masaya ako dahil kapag ka malungkot ka, naiisip mo ko para sumaya ka. Pero, pag masaya ka, naiisip mo din kaya ako? Naiisip mo kaya na, “ay masaya ako, ikukwento ko sa kanya.” Naiisip mo din kaya yun? Hindi siguro noh? Kasi, masaya ka eh, hindi mo kailangan ung role ko sa buhay mo, which is pasayahin ka, pagaanin ang bigat na nararamdaman mo.
Alam mo ba, everyday gusto kitang kausap. Mukha na akong tanga dahil palagi kong hinihiling na sana, magmessage ka, magkwento ka ng araw mo, ng mga ginawa mo. Pero hindi eh. Madalas akong disappointed. Pero kahit ganon, isang message mo lang ulit mali-lift-up na ung spirit ko. Ang unfair lang. Bakit naman kasi ako nahulog sa taong hindi ko dapat hulugan? Sabi nila, ang unang mafall, talo. Ilang beses na ba akong natalo? Ilang beses na akong nahulog sayo? Ilang beses ko pang pilit bumangon mag-isa at maglakad palayo pero palagi naman akong nadadapa ulit?
Ang hirap mahalin ng isang tulad mo. Ang hirap mahalin ng kaibigang alam mong hanggang kaibigan lang dapat. Madalas akong kinikilig sa mga gestures mo, sa mga sinasabi mo, pero alam kong may limitations, alam kong may reservations. Ang hirap kiligin ng hindi fully. Hindi ako pwedeng magselos. Hindi ako pwedeng mangialam sayo. Lalong-lalo na yung hindi kita pwedeng mahalin ng higit pa sa kaibigan.Ang hirap. Ang bigat sa loob. Ang bigat na tipong naiisip ko na, sana hindi ka nalang ulit magmessage. Sana hayaan mo naman akong makaget-over sa feelings ko sayo. Sana mawala na tong pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Para naman totoo na akong maging masaya lalo na pag nahanap mo na ung taong magpapawala ng mga lungkot mo, at magpapasaya pa sa mga panahong masaya ka na. Ayoko na kasing maramdaman to. Dahil baka isang araw, hindi ko na kayanin, dahil baka isang araw, masabi ko sayo bigla na mahal na mahal kita. At dahil dun, bigla ka nalang lumayo ng tuluyan, at hindi na ako balikan pa kailan.