Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Saka na ako SUSUGAL pag totoo na ang lahat

SUSUGAL sa kung anong meron tayo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Saka na ako TATAYA pag totoo na ang lahat

TATAYA sa pag asa na meron ako

Saka na ako PUPUSTA pag totoo na ang lahat

PUPUSTA sa nararamdaman mo

 

 

Titingin sa mga nakapaligid

Makikinig ng mga kwento

Makikiramdam sa mga hangin

Ibubulong ang dalangin sa itaas

Panghahawakan ang pangako

 

 

Saka na ako BABAKAS pag totoo na ang lahat

BABAKAS sa malungkot mong alaala

Saka na ako sa KARA – KRUS pag totoo na ang lahat

KRUS muna ako ngayon, KRUSang mag aantay

Tsaka na ko sa KARA, pag may KARApatan na

Saka na ako KALAHATI – BUO pag totoo na ang lahat

KALAHATI muna sa ngayon, tig KALAHATI sa pagbuo ng pangarap

Saka na ako sa BUO, pag buong BUO na ang tiwala mo

 

Saka na ako TODO PATI PATO pag totoo na ang lahat

Saka na ako sa TODO, iingatan kita ng TODO

Saka na ako sa PATI, PATI buhay ko iaalay ko

Saka na ako sa PATO, PATOtunayan ko

 

 

Saka na ako

 

 

Saka na ako Tatayo lalapit sayo

Saka na ako Lalakad papunta sayo

Saka na ako Luluhod sa harapan mo

Saka na ako Hihingin ang kamay mo

Saka na ako Pag pwede na ang lahat

Pag ayos na ang lahat

 

 

Saka na

Saka na

Saka na

Pagtotoo na ang lahat

Send me the best BW Tampal!

* indicates required
DOTA ID : 175280405 LOL : iLLFiNdMySefL Always Alone Never Been Sad. Phileein Lygophilia (Torpe) Ecclesiastes 3:1 For Everything there is a season (NGSB)