Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Psst.”
“Hi. How are you?”
“San ka?”
“Hello?”
“Did I say or do something wrong?”
“Are you okay?”
“I’m worried.”

 

I’m worried. I continue to worry kahit wala akong karapatan. Tanginang buhay.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

And that’s how it goes- without warning, no signs, not even a fair notice na ayaw mo na.
Baka, baka nga there were signs but I chose to understand you. Baka ang obvious ng mga signs pero in the moment pinili kong hindi pansinin kasi I wanted us to work.

Not even a “hey, stop na siguro natin ito” or kahit kunwari wrong send nalang mo ako tapos ibang name nilagay mo.
Atleast sa ganon, gets ko. Atleast sa ganon, I don’t hear or find out from someone else that I’ve been looking stupid for months loving a person who is accepting the love but giving it to somebody else.

 

Friends grow cold, so I guess why can’t our relationship na usong-uso ngayon- yung walang label pero ang sweet.
In less than 4 months we went from acquaintances to friends to something that felt like a relationship to STRANGERS.
I wanted to ask, I think I did ask but you didn’t even give me the time or day.
I wanted to know bakit bigla nalang deadma, bigla nalang ignore, bigla nalang putanginang nawala ka.

 

Alam mo, gusto ko sana tung gawing tula- pero lahat nalang ng salita gusto ko magrhyme ng putangina.
Hindi, hindi ako mahilig magmura, sa totoo, kahit kasama ko mga friends ko, ayaw ko ng ganun.
I get na ang layo natin pero, pinaasa mo ako- pinakilig mo ako, you made me believe na may chance tayo mag survive ng LDR.

 

Ang sarap nga magpost ng screenshots sana, just to defend myself that I didn’t fall just because marupok ako- but because nagpafall ka din talaga. Pero, ako talo. Talo na nga ako because I marupok ako, talo ako kasi naniwala ako sa mga salitang pinakilig ako. Yung lang. Pinakilig mo ako, lumandi ng konti at wala kana. Kahit respeto nalang sa hours na pinagsamahan natin, magsalita ka naman. Wag mo akong itapon sa gilid ng parang walang worth ang pag.care ko sa iyo. Kasi tangina- daming gabi na akon walang tulog sa kakaantay matapos kayu sa inuman nyu.

 

Tanginang buhay kasi wala kana. Wala nga akong chance magalit kasi walang silbi galit ko kapag wala naman nakikinig. Tangina kasi attached na ako sa iyo so eto. Eto nlng magawa ko. Ilabas dito. Tangina sana matapos na ito.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required