Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Minsan may darating talaga sa buhay natin na di mo inaasahan, tulad ng may mag chachat sayo bigla ng Hi, Hello, kamusta ka?, at kung ano ano pang matatamis na pag bati. Tapos ikaw naman na single at walang kausap, rereplyan mo naman. Tapos daraan ang mga araw na di mo namamalayan lagi na kayong dalawa mag ka usap. Kwentuhan ng mga pinaka masasaya at pinaka malulungkot niyong karanasan. Tapos magugustuhan muna siya masasanay kana sa presence niya, lagi kanang mag aantay ng reply niya yung feeling na kapag di mo siya makausap sa isang araw ang lungkot lungkot na, feeling mo laging may kulang, Di mo alam pero hooked kana sa kanya, Napapa saya ka niya, kahit di pa kayo nag kikita gusto muna siya. Yung feeling na ayaw muna matapos, sana ganito nalang lagi. Pero hindi natin hawak ang kapalaran, hindi natin pwedeng malaman ang mga mang yayari bukas at sa susunod pa.
Hanggang isang araw tila may nag bago na, nawala na ang dating sigla ng inyong pag uusap, nawala na yung mga dating biruan at tawanan, yung dating mga fast replies niya, ngayon inaabot na ng bente kwatro oras, kung di kapa mag chat di na rin siya mag cchat, yung tipong ikaw nalang ang bumubuhay sa convo niyo. Mapapa isip kanalang talaga, may nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong masama? Ilang beses mo ito uulitin at uulit ulitin sa isip mo. Hanggang umabot kanalang sa point na mapapagod kanalang kakaisip kung ano ba talagang dahilan ng pagbabago niya.
Okay lang sana eh kung may dahilan kaso wala eh, tinanong mo naman siya kung okay lang kayo, kung okay lang siya, kung may problema ba? Tapos sasagutin kalang niya nang “Oo okay lang” , “Pasensiya na busy lang”, “Sorry na may mga times talaga na tamad ako makipag usap sa chat”, mapapa mura kanalang tlaga sa isip mo, pero wala kanamang karapatan mag reklamo kasi una sa lahat hindi naman kayo. Oo hindi naman kayo at ikaw lang ang may gusto At dumating na nga ang araw ng kinakatakot mo.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Isang araw pag chat mo inbox kanalang wala na talagang paramadam pero patuloy kaparin nag antay, hanggang yung isang araw ng pag hihintay umabot na sa dalawa, tatlo, apat, lima, hanggang mapagod kanalang kakantay at doon mo lang mapag tatanto, “GHOSTED” kana.
Siguro nga ganun talaga ang buhay, hanggat di pa dumarating ang taong nakalaan para sa atin patuloy parin tayong ma go Ghost. Kaya sa mga na ghost diyan kagaya ko, tiwala lang, focus muna tayo sa sarili, self development ika nga. Darating din ang para sa atin. Patuloy lang tayo maging mabait at wag mag tatanim ng sama ng loob sa mga nanakit satin.
-kulas