Kulangot
Categories Poetry

Kulangot

Ako’y mahilig mangulangot
Ayan ang madalas kong gawin kapag nababagot
Minsan nga’y nakakalimot
Na sa harap pa ng maraming tao naipapakita at kinakalikot-
 
Ang ilong kong nangangapal na dahil napuno na nito at tumigas
Na kapag tinanggal mo’y animo’y ang mga balahibo ay malalagas
Minsan nga’y hirap pang dukutin
Kulangot na nasa kaibuturan ng ilong kong madilim
 
Parang puso mo na sa sobrang tagal nang natengga
Sa sobrang daming sakit na nadama
Puso mo’y tila tumigas na at parang hindi na lalambot pa
Pagmamahal na sobrang hirap kunin at wala ka ng magagawa
 
Subalit wag kang mag alala mahal ko
Kahit napakahirap man masungkit yang pagmamahal mo
Kahit nasa loob ay pilit dudukutin
Kahit na magdugo pa ang ilong at ang puso ko ay aking kakayanin
 
Hindi ko ito ipapahid sa ding ding
At iiwanan ang damdamin mong nakabitin
At lalong hindi ko ito bibilugin
O pipitikin palayo sa akin
 
Dahil masasaktan ako kapag nakita ko na sa iba na ito kumapit
At ang tanging gagawin ay ipapagpag nilang pilit
Upang nang sa gayon ay tumalsik
At sa akin ay mandiri at magalit
 
Dahil ang pangungulangot ko
Ay parang pagmamahal ko sa’yo
Handa kong ipakita sa iba
Ng hindi nahihiya at natatakot na mahusgahan ng masasakit na salita