Una sa lahat, mahirap pumili sa kanilang dalawa

Makakasakit ka o masasaktan ka
Hindi rin ito pwedeng patagalin
Dahil may isa talaga na masasaktan

Ang taong mahal ko
Alam kong hindi ako ang kanyang gusto
Naging magulong usapan man kami
Pero wala talagang kami

Ang taong mahal ako
Mahal na mahal niya talaga ako
Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata
Sa pagbigkas niya ng mahal kita

Gusto ko silang dalawa
Ngunit kailangan ko nang pumili
Kung sino talaga sa kanilang dalawa
Ang mamahalin ko talaga sa oras na ako ay pipili

Sino nga ba sa kanilang dalawa
Ang hirap pumili sa kanilang dalawa
Kung pwede lang sana ihati ang puso
Hinati ko na ang puso ko

Iyong panahon na pinili ko ang mahal ko
At binalewala ang taong mahal ako
Hindi ko alam na maling desisyon iyon
Na ako lang pala ay masasaktan

Kung maibabalik lang ang panahon na iyon
Pipiliin kong mahalin sarili ko
Para hindi ako masaktan
Para hindi rin ako makasakit sa taong mahal ako

Iyong panahon na pinili ko ang mahal ko
Bumalik lang rin sa akin iyong karma
Pinili ng mahal ko ang mahal niya
Parang iyong panahon na pinili ko ang mahal ko

Kaya ngayon, ako lang mag-isa
Mamahalin muna ang sarili
Kasi alam ko naman na hindi ako nag-iisa
Kasama ko naman ang Diyos araw-araw
At iyon ay sapat na