Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Binalikan ko yung mga panahon na pinasaya mo ako,
kung paanong nagawa mo akong patawanin kahit di ko na gustong ngumiti,
kung paanong ang yakap mo’y nakapagbigay sa akin ng pakiramdam ng tahanan,
kung paanong ang paghawak mo sa aking mga kamay ay nagbigay ng katiwasayan sa akin,
kung paanong ang pagsasabi mo sa akin na magtiwala sa Panginoon

ay nagpatigil sa mga bagyong nasa aking isip,
kung paanong ang bawat ngiti mo ay nakapagparamdam sa akin na masaya akong kasama,
kung paanong pagkakita ko pa lamang sa’yo ay naiisip ko na ako’y nabiyayaan.

Inisip ko lahat ng iyan. Maganda naman pala.
Unti- unti, dahan – dahan na natanggal ang hinanakit at poot na nanatili sa aking puso.
Nabulag lang siguro ako sa kung paano natapos ang lahat

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Na hindi ko na nakita kung paano kasaya ang simula….

Send me the best BW Tampal!

* indicates required