Current Article:

Kung sakaling bumalik ka, hindi na kita kilala

Categories Move On

Kung sakaling bumalik ka, hindi na kita kilala

Isa, dalawa, tatlo..
tatlong buwan na nakalipas mula nung nawala ka
sa unang buwan tila bang ayoko nang gumising pa
sa pagkat sa puso ko ay may kulang na; wala ka na pala
hindi maipinta ang mukha, sa madaling araw ay gising pa
para bang wala ng mas sasakit pa, sa biglaan mong pagkawala
sa bawat patak ng luha, sa bawat mga ala ala
sa bawat ngiti mong nagbago na
masaya ka na pala, hindi dahil sakin
pero dahil sa iba.
Sa pangalawang buwan ay hindi ko na nararamdaman
kahit mabanggit ang pangalan mo ay hindi na ako nasasaktan
kahit pa makita ko mga larawan mong masaya, hindi na ako nahihirapan
akala ko ay hindi na kita malilimutan, akala ko ay matagal akong masasaktan
Sa ikatlong buwan na wala ka, hindi na ako magtataka, hindi na ako mangangamba
kung sa lahat may bago kang ipapakilala
para sayo ay madali lang kumawala
sa sakit ng mga ala ala
para sayo ay madali lang magmahal ulit
dahil hindi mo naman talaga ako minahal; sinaktan mo pa ng paulit ulit
Kung darating yung araw na magkita tayo
hindi na ako talo, hindi na malungkot ang mga mata ko
hindi mo na makikita yung mga ngiti na para sayo
sa araw na makita mo man ako, ngingiti ako
hindi dahil nakita ka, pero dahil nakalimot na
ang pusong minsan ay nahirapan; ang puso kong minsan kang minahal
sa araw na iyon ang puso ko ay punong puno na ng pagmamahal
na hindi galing sa iyo, pero galing sa mga taong ako ay patuloy parin minamahal
ako ay nangangako na sa araw na makita mo akong masaya; mapapaisip ka nalang bigla
“bakit hindi ko iningatan ang mga ngiti niya”
“bakit hindi ko siya minahal kagaya ng pagmamahal niya”
sa araw na mapaisip ka, yun rin ang araw na masaya na ako hindi sa iba pero dahil sa limot na kita,
at kung sakaling bumalik ka, hindi na kita kilala.