Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kamusta Ka na?

Kung sakaling magkita tayo, ang dami kong gustong sabihin sayo. Ang dami kong gustong itanong. Pero sa pagkakataon na ito, hayaan mo munang sa liham ko ipaalam ang nararamdaman ko sayo. Napakahirap lumaban kung ang iyong pinaglalaban ay sumuko na at may gusto ng iba. Gusto ng puso kong lumaban. Pero bakit ganito? Bakit patuloy kong binabasa ang liham mo sa akin kung paano ka nangako na maghihitay ka hanggang makamit mo muli ang matamis kong “OO”. Pitong taon kang nag antay. Pitong taon ko din pinigilan ang sarili ko dahil hindi pa pwede. Alam mo yon, alam natin pareho yon. Pero bakit bigla nalang nagbago ang lahat? Bakit bigla kang sumuko? Bakit meron ng iba? Bakit hindi na lang maging tayo ulit?

Kung sakaling magkita tayo, gusto kong malaman mo na maghihintay ako kung paano ka naghintay ng mahabang panahon. Pero kung sakaling ako’y huli na, hindi ko sasabihing lalayo ako katulad ng iba. Kung sakaling magkita tayo, sasabihin ko sayo na Mahal parin kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required