Lahat ng Bagay ay may Proseso
Categories Faith

Lahat ng Bagay ay may Proseso

Lahat ng bagay ay may proseso gaya ng paggawa ng isang bahay, nadadaan ito s matinding proseso upang mabuo ng maayos at matibay. Ang pagpapakasal, ito ay papasok sa isang prosesong dapat pagisipan bago maganap. Ang pagbabago ng sarili ay dumadaan din sa isang napakahabang proseso upang maging ganap.

BAKIT NGA BA MAY PROSESO? 

Alam natin na sa isang iglap lang ay kayang gawin ng Diyos ang nais nyang mangyari ngunit mas gugustuhin nya ang mahaba at matagal na pamamaraan upang tayo’y mas lalong lumago at tumibay sa pananampalataya sa kanya. Mapapansin mo ito sa kwento ng buhay ni Noah. Si Noah ang taong nautusan upang gumawa ng isang malaking arko . Ito ay ginawa nya ng ilang taon upang maging perpekto ayon sa ditalyeng nais ng Panginoon dito. Ngunit habang ginagawa nya ito ay puro pagsubok at mga tanong sa kanyang isipan ang kanyang hinarap at napagdaanan , lahat ito’y hindi nanaig bagkus lalong tumibay pa ang kanyang pananampalataya sa Dyos.

Sinasabi dito na sa isang proseso ay maraming hakbang at hadlang na dapat mong malagpasan upang makarating ka sa gusto mong puntahan at makamit mo ang tunay na nais ng Dyos sa buhay mo.

Tandaan, miski ang nilalang ng Diyos na pagong ay nakarating sa arko dahil sa pag tityaga.