Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam kong masaya ka na kung nasaan ka man naroroon ngayon at tingin ko nakakamtan mo na ang klase ng relasyon na hinahangad mo nuong tayo pa. Humihingi ako ng paumanhin na pinilit ko ang sarili ko sa’yo nuong una pa lang, dahil nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Humihingi rin ako ng paumanhin dahil pinilit ko yung tayo ng mga panahong nawasak ako sa nauna kong relasyon at hindi ko naibigay ang pagmamahal na para sa’yo dapat. Kaya nagdesisyon akong hayaan ang Diyos na ang magbigay ng pagmamahal na nararapat para sa’yo, dahil higit Siya lang ang nakakaalam ng iyong kailangan sa buhay. Nawa’y ang naging desisyon ko sa pagsuko sa’yo sa Diyos ay iyon rin ang maging daan para bumalik ang iyong pananampalataya sa Kanya. Naniniwala ako na higit pa sa hinihiling mo ang magiging plano ng Diyos para sa’yo. Sana kung sino man ang may ari ng puso mo ay ilapit ka pa niya lalo sa Kanya, hilingin ko man na ako nalang sana pero hindi ko pwedeng turuan ang puso mo kung sino ang dapat mong mahalin.

Ang liham na eto ay ang paraan lamang para isuko na ang nararamdaman ko para sa’yo. Kailangan kong magpatuloy sa buhay at sundin ang kalooban ng Diyos para sa akin.

Naniniwala pa rin ako na wala nang mashihigit pa sa pagmamahal na nakakalugod sa mata ng Diyos.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required