Binabalikan at hindi kinakalimutan
Kung saan masisilayan ang mga nakaraan
Mga alaalang nagbigay kasiyahan
At ang iba nama’y nagbigay kalungkutan
Mga imahe ng mga pinakakamahal
Na sa panahon ngayon ay hindi mo na sila mahahawakan
Tanging ang mga larawan nalang ang nagpaalala
Sa mga panahong sila pa ay kasama
Makikita mo ang masasayang sandali
Mga panahong hindi mo na maibabalik
Hindi maiiwasang sa tuwing ito’y nakikita
Ay may mga luhang pumapatak sa mga mata
Kaya’t kong pwede pa,
Kumuha ka pa ng maraming larawan
Nang sa gayo’y sa darating na panahon ay may matatanaw ka na
Makakapag paalaala sa mga sandaling masasaya at samasama