Let Go and Move On
Categories Relationships

Let Go and Move On

Bakit nga ba tayo nasasaktan? Minsan kasi tayo lang din ang gumagawa ng dahilan upang masaktan. Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na alam naman nating walang kasiguraduhan. Pinipilit nating ibalik yung nakaraang hindi na maaaring balikan. At higit sa lahat, nagmamahal tayo ng taong hindi tayo kayang panindigan.

Aminin man nati’t sa hindi, lahat tayo nagdaan sa ganitong pagkakataon. Na pakiramdam natin dinaya tayo ng tadhana. Na hindi man lang tayo binigyan ng pagkakataong mahalin ng taong minahal natin ng sobra. Ang worst part pa, binigay mo ang lahat pero hindi nareciprocate ni katiting. One-sided love. 

Well, to be honest wala namang masama kung magmamahal ka. Kasi hindi naman sya mahirap gawin. Masakit lang talaga sigurong umasa sa wala. Yung tipong wala naman talagang label ang relationship nyo, pero umaasa ka without asking and clarifying kung anong “stage” na ba kayo, saan ba talaga papunta yung relasyon na meron kayo. Ang mas masakit pa, yung umaasa ka sa parang meron, pero wala naman talaga. Kasi yung totoo ikaw lang talaga yung nagbibigay at nagpupuno sa “no label” relationship na meron kayo. Minsan you have to take the first step din to ask kung ano ba talaga kayo, baka masaya lang syang kausap ka, nag-eenjoy lang sya na kasama ka, o baka hindi lang sya ganyan sa’yo, pati rin sa iba. Ang masaklap non, ikaw nasasaktan pero sya masaya. Sobrang nakakawasak di’ba? 

Bakit nga ba ulit tayo nasasaktan? Dahil sa bagyo na tayo rin ang gumagawa — ang umasa sa wala. Imagine, ang ganda ng sikat ng araw, tapos nabasa ka bigla ng ulan dahil sa sarili mong bagyo na ikaw rin ang gumawa. Saklap di’ba?

Kung tutuusin, wala naman talagang masasaktan kung walang umaasa at nagpapaasa. Don’t complicate things. Masakit man tanggapin ang katotohanan, pero ang totoo oo nahulog ka, nahulog ka pero wala syang kasalanan. Na-attached ka lang, nagustuhan mo lang talaga sya ng sobra kaya ka nasaktan. To the point na marami kang ginive-up at ininvest emotionally para sakanya without him/her knowing. Dagdag pa yung expectations na dapat kahit papaano mareciprocate yung love and sacrifices na naibigay mo. Ang weird lang kasi wala naman talagang “kayo” pero ang dami mong expections na pag hindi na-meet, ikaw rin yung masasaktan at feeling mo ikaw yung dehado. Mahirap makawala at bumitiw sa ganitong sitwasyon kasi nakakulong ka na, nakagapos na yung feelings mo.

In a certain sense, you really have to move on kasi in reality wala naman talagang patutunguhan ang ganitong relasyon. Relasyon na malabo pa sa tubig baha. Kailangan mong kumawala sa pagkakakulong. Hindi mo kailangan maging malungkot sa kakaisip na sana naging kayo, na sana may chance pa na maging kayo. Wag mo na pahirapan ang sarili mo. You have to let go of the things that you don’t deserve. Just stop na magexpect kasi baka masaktan ka nanaman. Kailangan mong bumawi sa sarili mo. Love yourself first at huwag idepende sa ibang tao yung happiness mo. Know who you are. Know your worth. You have to forget what you want to remember what you deserve. Because you deserve to be loved.