Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa unang pahina nakasaad
ang simula ng kwnetong nakakatamad
isang kwentong sobrang dami nang katulad
pero sinulat parin kahit alam na san mapapadpad

kwento eto ng isang ako na nahulog
sa isang ikaw na akala mo anghel na nattulog
na napakabait at walang kahit anong bahid
ng kung ano mang pangit na dala ng paligid

ilang araw din nagusap para makatotohanan ang pag ganap
mala artista kung umarte grabe mag pangap
kala mo politiko na sobrang daming pangarap
un pala pag nanalo na, isa ring corrupt

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


umaasa sa pangakong binitawan
pagtapos mahulog sinalo ng panandalian
pagtapos makuha syang binitawan
na parang basahan at tinapong laruan

kailangan ng ilipat ang librong naisulat
umasang may magaganap sa aking munting aklat
ayusin ang punit at mga initang bumakat
sa numinipis na pahina ng librong makalat

kailangan ng isara at tapusin ang pahina
ng librong ito dahil kamay ay nghihina
na sumulat pa ng kwentong dulo naman ang simula
parang pangako mo’t magagandang salita

paalam sa karakter ng kwentong walng kwenta
paalam sa puso mong ang mura mong binenta
paalam sa pangako mong mala telenovela ang drama
paalam sa librong kailangang tapusin na
dahil sa huling pahina ang pangalan mo hindi na isusulat pa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required