Liligawan Ko Na Ba?

Paano ba pag may girl na pasok sa standards mo tapos gusto mo’ng kilalanin…

KILALANIN lang muna ah. Pero di naman agad liligawan.”

“… kasi diba, di naman maiwasan na pag interesado ka na may kilalanin, kahit paminsan di naman sinasadya, paasa agad ang tingin saamin?”

Yun oh! In a world full of paasa, there was this guy who courageously asked and sought for advice to speak in behalf of young women.

So ano nga ba ang BEST WAY to know girls in a RIGHT WAY?

1. CHECK THEIR PREVIOUS POST ON SOCIAL MEDIA

For future reference lang, hindi naman masama yan. At least you get acquainted with their interests, views, and opinions… tyaka kung may mga ex’s din, at least di ka masyado mabigla o masaktan sa future (hahaha). Naeevaluate mo din kung sino mga circle of influences niya.

Tips: Iwasan mag-like ng mag-like o puso ng puso. Minsan ang off nun. Stalker moves yun.

2. GET TO KNOW HER FRIENDS

The closest one, even yung mga taong nirerespect niya, like mentors, leaders, oppa etc…

Minsan yung ka-close niya, yun yung ka-wavelength o ka-vibes niya. Halimbawa, funny-type ang madalas niyang kasundo, check mo, malay mo funny ka pala, magkasundo pa kayo diba? O kaya kung hindi, ipon ka na ng jokes mo at witty comebacks

3. BE INTENTIONAL IN DEVELOPING FRIENDSHIP

Both personally and virtually?

Yes. But be BALANCED.

Guys are expected to INITIATE and TAKE THE LEAD. Wag mo panindigan yung kanta ng Exb na, “Hayaan mo sila ang maghabol sayo diba?” (as if marami naman naghahabol sayo diba) Lalaki ka, tandaan mo, initiator ka (easy hahaha).

Make sure din na nasa group setting din to, para maiwasang mag assume si girl na may special attention na binibigay ikaw.

*Reminder: Ang goal nga diba kasi ay para maiwasang may umaasa at may paasa.

4. MAKE CONNECTIONS BUT DON’T USE THE VIRTUAL WORLD AS A FOUNDATION

I-chat mo, pero REMEMBER, wag araw-arawin dahil kahit pa gaano ka kagaling magtago ng nararamdaman mo, at kahit di ka sweet sa mga words mo, GIRLS CAN EASILY READ A GUY’S BEHAVIOR.

Social media is just another platform for making connections, but not a solid foundation in building strong friendship/relationship (taking this on a general sense).

5. CLARIFY

“Bakit ko naman ika-clarify kung wala pa naman?”

Clarify. It means, you have to enumerate and eliminate all the possible clouds of doubts and questions that would probably pop up in her mind.

Kung ramdam mo na na parang mejo vulnerable ma-fall si girl, una pa lang, bigyan mo ng CLARITY na you have no intention whatsoever na beyond friendship.

Girls love honesty. At least secured kami na yung sinet niyong intention, we won’t go beyond that.

6. BE CONSCIOUS OF YOUR MOVES

Guys, galingan niyo sa part na to. Don’t give hints or anything… madali talaga ma-fall ang mga girls, so clear things out sa una pa lang.

7. BE CASUAL AND NATURAL AS POSSIBLE

I-treat mo talaga na kaibigan. That means, no exclusivity agad. Mag set agad ng boundaries physically, emotionally, even sa time.

Lastly,

8. “Be patient in the process and pray for it.”

by Jen Ferrando

By boilingwatersph

Tatampalin kita ng katotohanan at pag-ibig

Exit mobile version