Limang Letra
Categories Relationships

Limang Letra

“Limang Letra”

Sa limang letra may kwentong nakatala.
Limang letrang pwedeng mag silbing babala
sa mga pwedeng makuha pag ang puso ang inuna
Kesa sa isip na dapat ang nag tatakda

BULAG… sa mga maling pag ibig sa tamang oras.
ani mo’y mga karakter sa kwentong pinaikot ikot
hindi alam kung saan ang tamang landas

BINGI.. sa nakaka baliw na sigaw ng puso sa mga hirap na di na kayang tiisin
ngunit kahit anong gawin hindi mabigyang pansin.

SAKIT.. na dulot ng mga pabalang na trato sa taong umiibig, na wari’y walang karapang masaktan sa bawat pilanik ng dila at mala kulog na bibig

PAGOD.. na pilit nilalaban, kahit pag hinga ay pinilit na lamang. para maparamdam na kahit anong hirap kayang tiisin, maiparamdam lang na sya’y lubusang iniibig

TANGA.. ang tawag saakin na kahit na anong gawin ng limang letrang dulot ay SAKIT, na dpat inuna ang puso kesa sa damdaming mapaglaro at napaka lupit.. na kahit anong pag daanang limang letra ay sige parin.
kasi iisa lang ang dalangin..

na sana sa dulo ng limang letra maramdaman na akoy mahal mo rin.