Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ako magaling tumugtog ng gitara ngunit para sayo ako’y gagawa ng kanta.
Ang boses ko’y may hindi kagandahan ngunit kaya kitang kantahan sa paraang ako lng ang may alam.

Hindi man tugma ang bawat katapusan ng mga lyriko, pangako ko ito’y purong totoo.
Umulan man o bumagyo, tutugtug ang gitara ko sa kung ano ang nararamdaman ng puso ko.
Oo na. Alam ko na hindi mo rin naman ito mababasa. Aminin na natin na kahit hindi mo man pinapakinggan ang tinig ko ngayon, masaya parin naman ako. Kasi dahil sayo nakakagawa ako ng mga bagay na akala ko hindi ko kaya.

Isa ka sa mga inspirasyon ko ngunit hindi naman sa’yo umiikot lahat ng mundo ko. Oo marami akong mundo, ganun ako kayaman (HAHAHA). Ngunit hindi mo naman malalaman kasi hindi mo inaalam.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required