Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

You know what? You’re so lucky kasi ikaw yung pinili niyang mahalin at pinili niyang makasama. Of all people na naghihintay sa pagmamahal niya, sayo niya napiling ipagkatiwala yung puso niya.

Maaaring di mo ako kilala o maaari din namang narinig mo na ang tungkol sa akin mula sa mga kwentuhan nila pero hindi na yon mahalaga. May ibibilin lang ako sayong mga iilang bagay na sana lagi mong tatandaan tungkol sa kanya.

Sisimulan ko sa pag gising niya sa umaga, siya yung uri ng babae na aasikasuhin ka mula sa kakainin mo sa almusal, mula sa isusuot mo at hanggang sa babaunin mo sa pagpasok sa trabaho. Isang matamis na ngiti at kahit simpleng halik lang sa pisngi kapalit ng pag aasikaso niya sayo ay ayos na siya doon. Isunod natin ang hilig niya sa pamamasyal pero bago kayo mamasyal siguraduhin mong 4 na oras bago ang lakad niyo ay nasabihan mo na siyang maghanda. Matagal siyang mamili ng damit na susuotin, matagal siyang maligo at matagal siyang mag ayos dahil sa gusto niyang maganda siya sa paningin mo at presentable siyang tignan sa harap ng maraming tao. Kaya sana wag kang mainis kung matagalan man siya kaya nga binabalaan na kita. Kapag namamasyal na kayong dalawa ay hawakan mo siya sa kamay na para bang sinasabi mo sa bawat tao na nakakakita sa inyo na sa iyo na siya. May takot siya sa mataas na lugar kaya kung mangyari man na may footbridge at overpass kayong dadaanan ay hayaan mo siyang kumapit sayo ng mahigpit at wag kang mainis sa iaasal niya. Madali siyang mapagod kaya hindi siya para sa mga bundok, may konting takot siya sa dagat dahil noon ay muntik na siyang malunod pero intindihin mo na lang. Sa pagtulog naman niya sa gabi ay mahihirapan siyang humanap ng pwesto at gumawa ng tulog kung hindi ka niya katabi. Nasanay na kasi siya sa presensya mo kaya’t mahihirapan siyang wala ka sa tabi niya. Lahat ng sinabi ko ay iilan lang sa mga bagay na tungkol sa kanya pero hahayaan na kitang tumuklas pa ng iba. Hahayaan kitang matuklasan mo ang mga bagay na gusto niya at mahal niya, mga bagay na ayaw at kinatatakutan niya, mga bagay na mahalaga at nakakapagpaiyak sa kanya, mga bagay na nagpatatag sa pagkatao niya at humulma sa kung sino siya. Marami pang mga bagay na pwede mong malaman tungkol sa kanya at swerte ka kasi marami ka pang panahon para madiskubre mo ang buong pagkatao niya.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ingatan mo siya at mahalin. Ikaw na ang bahalang gumawa ng mga bagay na ipinagdamot ng tadhana sa akin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required