Paglaya
Categories Poetry

Paglaya

Tula #112
Paglaya

Sa ating muling pagkikita,
Sa muling pagsalubong ng ating mga mata.
May bagay na di kayang ipaliwanag,
Pero lubos sa akin ay bumabagabag.
Sa aking bawat nakaw na pagsulyap,
Bumabalik ang mga salitang mahirap kong tinanggap.
Ang unang gabi ay impyerno,
Sa harap ng aking mesa at kwaderno.
Naniniwalang ito ang mabisang paraan, para makalimot sayo.
Inubos ang bawat tinta at letra sa aking ulo,
Para kahit papaano, hindi na mabaling pa sa iyo.
Sinasabi sa sarili, pakiusap wag ka na magpakita.
Pero binali ko ang sinabi ko,
Dahil kahit paikutin ang mundo,
Kahit kelan, hinding hindi ako makakalimot sa isang kagaya mo.
Pasensya kung di kita matingnan ng diretso sa mata,
At kung nagbibingi bingihan ako pag may sinasabi ka.
Dahil bumabalik ang bilis ng tibok ng puso,
Ang kaba, balisa, at pagkalito.
Ngunit hindi na tulad nung nagsisimula palang tayo.
Nararamdaman ko to hindi na dahil sa kilig.
Nararamdaman ko to dahil di ko na alam, kung paano iimik.
Kung sa pag tingin ko ng diretso, ay baka tumulo ang luha.
Kung sa pag sagot ko ng diretso, ay baka mautal ang dila.

Sa ating muling pagkikita,
Sa muling pagsalubong ng ating mga mata.
Marahil malayo ka na,
Sa kung sino ka noong ako’y kasama pa.

Prev To the guy that she fell in love with
Next Dear Woman, Rise up