Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Napakasarap pala sa pakiramdam na ang dati kong pinagdaanan eh ngayon akin ng pinagtatawanan. Ilang taon din akong sunod sunoran sa aking nararamdaman na hindi ko mawari kung ano nga ba ang pinag.mulan. Ilang taon din akong naging tanga kakaasa na baka akin ka kahit kitang-kita naman na hindi talaga. Ilang taon din na ika’y aking pinangarap ngunit ang lahat ay may W A K A S.

Sa wakas ay nubunot na ang tinik sa aking damdami’t isipan na ikaw ang syang dahilan. Sa wakas nakikita ko na ang sarili kong hindi ka kasama sa bawat bukas na darating. Masaya naman pala. Masaya kahit wala ka. Nalinlang lng talaga siguro ako ng puso kong bulag, pero noon yun at hindi na ngayon. Natuto na ‘ko sa lahat ng pinagdanan ko. Natuto akong gumising sa ilusyon at harapin ang baon ng katotohan. Akala ko hindi ko kaya. Akala ko habambuhay na ‘kong mabibilanggo sa’yo. Akala ko lng pala lahat at ngayon nakikita mo na ‘kong malaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required