MAGMAMAHAL, MAHIWAGA
Categories Short Story

MAGMAMAHAL, MAHIWAGA

“mAHIWAGA PIPILIIN KA SA ARAW-ARAW… MAHIWAGA ANG NADARAMA SA’YO AY MALINAW…” -BEN&BEN

I am a fan of Ben and Ben simula nang nairelease nila ang ilan sa mga pumatok nila na songs like Pagtingin, Kathang-Isip and especially ang kanta nila na Araw-araw. Ito yung mga kanta nila na first time ko lang narinig is super na-hook na talaga ‘ko. Lalo na the first two songs that I mention the Pagtingin and Kathang-Isip. Well maybe, naka-relate kasi ako.

Well I never had a relationship, sabi nga nila No Boyfriend Since Birth but it doesn’t mean na I never fell in love. Cause I did. And to make the long story short I fell in love first to those man but sadly hindi nagkaroon ng mutual feelings. It’s just me. It’s either hindi ko naamin or nasabi ko man but walang nangyari. All I’ve got in the end is a broken heart. Well it’s all in the past and I never regret having those feelings. Well sabi nga ni Imelda Papin sa isa niyang kanta “Mas hangal ang mga pusong hindi natutong magmahal.”

Until I discover the song “Araw-araw” by that time naging matunog sa mga social media ang terminong “PINILI” dahil na rin sa song na iyon natuwa ako sa idea na paano nga ba kung makatagpo ka ng taong willing kang piliin araw-araw? Paano nga ba kung sa bilyong-bilyong tao sa mundo may isa na handang tumaya para sa iyo?
Kung tutuusin hindi naman ako maka-relate nang husto sa kanta dahil wala pang dumarating sa buhay ko na handang gawin ang mga bagay na iyon. Pero sa kabila non sobra akong nakaramdam ng kilig at saya na sana ay may dumating na katulad ng tao sa kanta. Na mahahanap ako, pipiliin at makikita bilang kaniyang tahanan.

Makalipas ang ilang taon nang una kong mapakinggan ang awitin na Araw-araw ay dumating ang isang taong hindi ko inaasahan. Hindi ko inakala na ang mga simpleng araw na noon ay nakakausap ka siya ay mauuwi sa araw-araw na pagbati ng magandang umaga at matulog ka na, mahal kita. Ngayon ay araw-araw na may naghihintay sa mga kuwento kung anong nangyari sa araw ko, kung kamusta ako at kung anong nararamdaman ko. Araw-araw ngayong sumasagi sa isipan ko kung anong bukas ang naghihintay sa amin at araw-araw na biglang masisingit sa usapan ang plano para sa aming hinaharap. Araw-araw akong natatakot na paano kung paano sa mga susunod na bukas ay may isa sa amin na magbago ng isip o ng nararamdaman at may isa na sa huli ay masasaktan. Araw-araw kong iniisip kung sapat ba ang aking naipaparamdam kung gaano ko siyang minamahal.

Alam kong hindi posible na araw-araw akong makadarama ng kilig at ng kasiyahan. May mga araw na haharap kami sa pagtatalo, may mga araw na siguro mapapaisip kaming itigil na ang nasimulan. Pero sa kabila ng mga takot na ito natutunan kong isantabi ang mga iyon at tumaya sa tao na ito. Sapagkat ngayon ko lang naunawaan ang isang liriko mula sa kanta na Araw-araw
“Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw”