Isang buwan na nang narinig ko ang matamis mong “Oo”
Matagal na rin nung sa Facebook ay inadd moko 😂
Akala ko noon ito ay malabo
Kasi nga kahit sa Facebook di tayo magkasundo
Pinakilala ka sakin ng iyong kaibigan
Yun nga lang eh hindi sa personal
Binigay lang sakin iyong pangalan
At ayun, inadd kita bilang isa sa virtual na kaibigan
Matapos ang simpleng Hi at Hello
Bigla nalang naging malabo
Kaya sabi ko di pwede to
At isa pa, alam ko na kaibigan lang dapat turing ko sayo
Alam mo bakit, kasi nakwento ko 😊
Mahigit kumulang isang taon
Ng dumating yung pagkakataon
Isang Sabado ng hapon
Ayon, tayo ay naglaro ng Badminton
Sabi ko, WOW
(Wait…. Nashock pako)
Bakit ang ganda ng babaeng to
Ayun nga hanggang dun lang dapat ang paghanga ko
Pero….
Ah basta, ang ganda mo!
Ilang ulit pang naulit
Nagkalaro tayo ulit
At ayun, sa sobra mong kulit
Di ko na napansin ako’y napapalapit
Unti-unti kang nakikilala
Hanggang sa ako’y tila nahuhulog na
Kaya ayun, akin ka nang pinagdarasal sa’ting Ama
Sabi ko “Samahan Mo’ko kung siya na nga”
Alam mo ano sagot Niya?
Ay nakwento ko na pala 😊
Pero sabi Niya, “Wag kang matakot, sasamahan kita”
Sinali ko na dito ng malaman ng iba 😂
Laking pasasalamat ko at AKIN KANA!
MAHAL KITA! Ayieeee
Wait, seryoso muna 😂
Gusto kitang makitang MASAYA
Ayokong saktan ka
Ayoko kong umiyak ka
Umiyak sa saya ay pwede pa
Gusto kitang habang buhay na makasama!
I LOVE YOU JOANA! 💚