Current Article:

Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko

Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko
Categories Relationships

Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko

Pinili kong iwan ka kahit mahal kita dahil alam kong wala na itong papatunguhan pa. Kung pikit mata ko nalang bang papalampasin ang mga pahiwatig mong wala na, ako ba ay sasaya o magdudusa? Sanay malaman ko ang sagot dahil masakit na, ang makitang may iba nang masaya kapag kayo ay magkasama, ang dating “tayo” ngayon ay “kayo” na. Sanay tama ang aking naging pasya na iwan ka, dahil mas mahal ko ang aking sarili kaysa mahal kita.