Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa pagdilat ng mata. Sa unang paghinga. Amoy na ang hiningang amoy ulam pa nung kinagabihan. Aayusin ang kama. Mananalangin upang ika’y ipagpala. Kukuhanin ang teleponong naghihintay sa gilid ng kama. Sabay isang malaking ngiti sa mukha kapag ikaw agad ang makikita.

Ilapat ang hudyat na tayo lang ang nakakaalam. Pindutin ang inbox na ikaw lang ang laman. Magsend ng mensaheng “Magandang umaga mahal. Pero mas maganda ka pa sa umaga”. Napakasimpleng mensahe. Ngunit tiyak ika’y mapapangiti. Muli ay gising na ang umagang magkikita nanaman tayong muli. Iprepara na ang sarili sa muking pagkikita natin. Isuot ang magarang damit upang ako’y iyong agad mapansin. Suklayan ang buhok na kahit anong ayos. E kukulot pa rin.

Eto na at ako’y papunta na. Sabay text na “Magkikita na tayo. Miss na kita”. Sasakay sa jeepney na ang musika’y “Kahit ayaw mo na”. Sa sobrang kalaliman ng isip. Ang pagbayad sa jeep ay di na naisingit. Pero sa aking pagkakatanda ay nagabot ako ng bente pesos na hindi na binalik ang sukli. Siguro nga’y ganun kita minamahal.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ibigay ang lahat ng walang hinihintay na sukli. Malapit na ko dumating sa paaaralan natin. Tibok ng puso’y lumalakas sapagkat eto na at masisilayan ka na muli. Gusto ko ng tumakbo. Gusto ko ng sumigaw. Pero baka magalit yung gwardya pagka’t di ko pa din suot yung ID na sakanya’y ipapakita. Bawat hakbang ay dumadagundong. Bawat tibok ng puso’y nagiisang tunog. Dala ang Pizza na sayo’y handog. Palapit na ng palapit sa silid aralan sa asignaturang tayo’y magkasama. Pagbukas pa lang ng pintuan ay lamig na ang nadarama. Lamig ng erkon ang nadarama.

Pero siguro sa sobrang init ko. Mararamdaman mo agad ako. Sa unang sulyap pa lang. Tumigil na ang mundo ko. Di ka naman hero sa DOTA pero bakit parang nachronosphere mo ko. Sinabayan mo ng ngiti yung mukha kong di maikubli. Tumakbo sayo at niyakap ka ng mahigpit. Siguro medyo OA lang ako sa mga reaksiyon ko. Pero wag sanang magalit. Sa pagkat ganyan lang kita kamahal o sinta ko.

Malamang walang kasiguraduhan ang lahat ng ito. Ang saya na nadarama. Ang suyuang walang humpay. Ang ngiti na punong ng kahulugan. Pero habang nandyan ka. Sabay tayong mangangarap. Sabay tayong magsusumikap. Sabay taong magtatapos ng pagaaral at higit sa lahat. Sabay tayong hihingi ng tulong sakanya na sana tayo hanggang sa mawaglit ang aking hininga.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required