Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Mahal kita” ang mga salitang kinatatakutan kong sambitin ay sayo na nanggaling, na naging hudyat na nang aking pagkamulat sa panibagong dalawang salita na “Tama na”.

Tama na, dapat nang itigil sapagkat ayokong pangunahan ang plano Niya sa akin dahil sa una pa lamang mali na.

Mali na naging makasarili ako nang piliin kong pakinggan ang tibok ng aking puso na walang pahintulot na galing sa Kanya, na maaaring ikawasak pa natin ng tuluyan sapagkat ang puso ay pabago bago at mapanlinlang.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Mali na hinayaan kong kainin ako ng aking pagkasabik mula sayo at sa damdaming hatid mo sa akin na nagdulot lamang ng pagkalito sa ating dalawa.

Mali na ihandog ko sayo ang pagmamahal na hindi marunong magtiwala sapagkat mismong ako ay di pa ganap na makapagtiwala sa tamang oras at panahon na Kanyang inihanda para sa akin.

Mali na kinalimutan ko ang unang Nagmahal sa akin sa kabila ng aking mga kakulangan, para sayo na hindi pa din tapos buuin ang sarili.

Patawad. Patawad pero kinakailangan ko munang bumalik sa Kanya at magpaayos ng lahat ng mga dapat niyang ayusin pa sa aking pagkatao.

Patawad na kailangan kitang talikuran sa kabila ng mga damdaming naipakita at naiparamdam ko na sa iyo pero kailangan ko munang matutunan kung paano Niya ko minahal para matutunan ko kung paano ang tunay na magmahal.

Patawad na kailangan ko nang tapusin ang hindi pa man natin nasisimulan na pagtitinginan dahil kailangan ko muna magkaron ng malalim na relasyon sa Kanya nang matutunan ko ang pagiging sapat Niya sa aking buhay pero lagi mong tatandaan, ika’y laman pa din ng aking mga dasal. Sana ay nagsilbi rin akong aral sa iyo tulad mo na naging malaking katuruan sa aking buhay.

Patawarin mo ako aking mahal, pero dumating na ang panahon na kailangan ko na pumili, mahal kita pero mas mahal ko Siya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required