Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bawat araw aking hinihintay,
Makitang muli ang iyong mga ngiti,
Mga ngiting dulot ay liwanag,
Sa madilim kong kahapon.

Mga sandali’y gustong itigil,
Sa mga masasayang oras na ika’y kapiling,
Mundo ko’y sayo lang umiikot,
Makasama ka’y saya ang dinudulot.

Sa bawat awit na iyong kinakanta,
Sa bawat salitang lumalabas sa iyong bibig,
Puso ko’y naaantig, nabibihag nang kay dali,
Makakaya ko pa bang pigilan ang pintig ng puso ko?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hirap man akong maamin sayo,
Nararamdaman ng aking puso,
Hindi ko na hahangarin na magkaroon ng tayo,
Pero mamahalin kita sa paraang alam ko.

Pinag-isipan pero ako pa rin ay litong lito,
Mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo,
Hindi mo kasalanan na hindi mo nararamdaman,
Hindi mo kasalanan na hindi mo ako naririnig.

Kung sana pwede lang, kung sana matutunan mo,
Na mahalin sana ay “Ako”,
Pero hinahadlangan ng katagang “SANA” ang tadhana,
Bumabalakid sa mga salitang “Mahal kita.”

❤Zkye

Send me the best BW Tampal!

* indicates required