Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Madalas kitang naiisip sa tuwing mag-isa ako o kaya tuwing wala akong ginagawa, minsan ko na ring nahuli ang sarili kong nakangiti,
dulot ng pag-iisip sa ilang alaala na iniwan mo sa akin. Pero minsan naisip ko, karapat-dapat ba ako o hindi para sa’yo?

Malayo na rin ang narating mo, nakita ko rin naman na minahal ka ng mundo, at biniyayaan ka rin ng magandang buhay.

Hindi ko naman kayang maabot yung mga bagay na meron ka, mataas ang standard ng isang tulad mo, baka hindi ako bagay sa’yo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi mo na kailangang ibaba ang sarili mo para sa akin, dahil ako ay simpleng tao lang at wala akong laban sa ibang nangagarap sa’yo,
doon pa nga lang, talo na agad ako.

Minsan, gusto ko nga sanang magbakasakali sa’yo, kahit na suntok sa buwan na ikaw ay mapasakin.
Kahit sa panaginip, masaya na siguro ako na kahit doon lang ay mahagkan kita.

Ang saya siguro sa pakiramdam na madalas kitang nakakasama, yung araw-araw ay nahahagkan kita, at nakikita kitang nakangiti.

Ito lang yung paraan na alam ko para mailabas ko yung nararamdaman ko para sa’yo at para maisigaw ko sa buong mundo na mahal kita.

Habang nakatingala ako sa kalangitan, naisip ko na hindi naman masamang mangarap,
at handa akong mangarap ng mangarap na tayong dalawa sana.

Hindi ko man masasabi sa’yo ng direkta kung ano ang nararamdaman ko sa’yo,
mababasa naman ng buong mundo itong liham na ito na sinulat ko para sa’yo.

Hindi naman ako nagmamadali, at hindi kita pipiliting ibaba ang sarili mo para lang abutin ang isang tulad ko.
Handa rin naman akong bumitaw kung sakaling mahanap mo na yung taong magpapasaya sa’yo at mamahalin ka ng lubos.

Gayunpaman, patuloy pa rin kitang isasama sa mga panalangin ko at paulit-ulit kong hihilingin na sana isang araw, ay makita uli kita.

Ingat ka palagi at sana palagi kang masaya.
Wish you all the best!!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required