ui tol! Alam mo ba na mahal na mahal kita? -yan ang tanong ko sa kanya ng maraming beses na. Alam ko naman ang sagot nya pero bakit paulit ulit kong sinasaktan ang sarili ko? Alam ko naman na hindi magbabago ang isasagot nya sa akin, pero bakit ang kulit ko? bakit paulit ulit kong sinasabe ito sa kanya na alam kong magkaibigan lang kame.

Minsan kinakausap ko ang sarili ko, tinatanong ko ang mga bituin at buwan, kung bakit ikaw? bakit hindi mo ko makita ng higit sa isang tropa? bakit hindi ko magawang kalimutan ka? Totoo na masarap mag mahal, masarap umibig sa isang tao. Pero hindi lahat ng love story ay happy ending. Hindi lahat ng bida ay nagkakatuluyan. Bawat saya ay may nagaabang na kalungkutan.

Isang bagay ang sa tingin kong sagot sa mga katanungan ko: Hindi lahat ng mamahalin mo ay mamahalin ka din. Mahirap kasi kaibigan kita, kasi tropa lang tayo. Mahirap kasi lagi kita naiisip, kasama kita sa mga panaginip ko, bawat panaginip ko ay kinukwento ko sa iyo. Mahirap.. Mahirap.. I see you not just an ordinary girl, I see you beyond that. Ikaw ay isang babae na may extra ordinary na characteristic. Ikaw ang pangarap kong iharap sa dambana, iharap sa Diyos para ingatan at mahalin ko habang buhay. Ikaw, ang anak mo at sarili kong mga anak. Kayo ang pangarap kong makasama hanggang sa huli kong hininga sa mundo. Walang perpekto sa mundo, but I promise everyday I will do my best para sa inyo.. Hindi man maging positibo ang outcome, pero maaasahan mong gagawin ko lahat para sa inyo.

Sa ngaun, araw araw kong ipapadama sa iyo gaano kita kamahal kahit alam kong tropa lang tayo. I will not cross the borderline. hindi ko ipipilit pa ang nararamdaman ko, hindi ko na ipipilit na ligawan ka uli. Mamahalin kita until the day na mapunta ka na sa taong karapat dapat. Araw araw ko sasabihin sa iyo kung gaano ako kaswerte na nakilala ka, nakakasama ka, nakakausap ka. Wala akong balak umiwas o kalimutan ka. Bakit? kasi mahalaga ka sa akin, kasi mahal kita tol. Hindi mo man ako minahal, hindi mo man ako nakita beyond friendship.. at least tropa tayo. Hindi ko ito ihihinto until the day na ikaw na mismo ang magsabe na.. “Cy, salamat, tama na, masaya na ako sa kanya.”

I love you so much tol, alam mong andito lang ako palagi para sa iyo. You know you can tell me anything, don’t you?