Hayaan Mo Ako

97

masama bang tunay kung ika’y antayin pa
kung mukhang istorya natin’y tila tapos na
masama bang ika’y nasa isipan ko pa
kung sa iyo ay may iba ng nagpapasaya

alam kong piliin ako’y hindi mo kaya
sapagkat sa kanya ay mas sigurado ka
sino nga ba ako para hamakin kayong dal’wa
kayo na mayroong matagal na kasaysayan na

pwede bang hayaan mo lang akong mahalin ka
kahit sa piling ko’y ikaw ay malayo na
pwede bang hayaan mo lamang na ipagdasal kita
sapagkat ikaw pa rin ang hiling ko sa mga tala

mukha man akong hangal sa mata ng iba
sabihin man nilang ako’y nahihibang na
pwede bang hayaan mong ako’y umasa pa
kahit saglit na lamang, kahit konti pa

– hayaan mo lang akong mahalin ka, hindi naman kailangan palagi ng sagot, di naman kailangan magkaroon tayo ng diskusyon, hayaan mo lang ako kahit na malayo ka, hayaan mo lang mahalin ka at iasa sa oras at tadhana kung sa ba talaga patungo ang ating istorya –