Hindi mo na ako pinapansin,
Hindi mo na ako kinakausap,
Wala na tayong dalawa.
Pero bakit namimiss parin kita?

Ilang araw palang na hindi kita kausap
Palaging tinitignan facebook mo
Tinitignan kung in-unignore mo na messages ko
Hinihintay ka parin parang tanga

Mahal pa rin kita
Mahal na mahal pa rin kita
Sana panaginip lang ang lahat na ito
Na ako gigising sa mga mensahe mo

Mahal pa rin kita
Naalala ko iyong mga panahon na masaya tayo
Pati na iyong mga panahon na tayo ay nagaaway
Lahat-lahat naalala ko parin iyon

Pero mahal, dapat ko nang bumitaw
Bumitaw na sa mga ala-ala na alam ko
Alam ko na hindi na maibabalik ulit
Na hanggang ala-ala nalang ito

Mahal pa rin kita
Pero, kailangan ko nang bumitaw
Sa kamay mo na matagal na nakabitaw sa akin
Kung mahal mo parin ako edi sana tayo pa ngayon

Kaya dapat na ako magising sa katotohanan
Na wala na tayo
Na hindi na pwede maging tayo ulit
At, masaya ka na na wala na ako

Paalam na mahal
Mahal pa rin talaga kita
Pero ako ay bibitaw na
Haharap na sa kinabukasan