Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paalam na pala.
Sadyang dumating na tayo sa dulo.
Ito na ang huli at kailangan ng isuko.
Paalam na.
Hindi man mabanggit ng diretso.
Alam kong hanggang dito nalang tayo.
Natapos na ang araw ng pagluha at gabing tuliro.
Ngayon nakaramdam na dapat na itong sumuko.
Damdaming hindi na pweding ipilit at kailangan ng isara ng pinto.
Paalam na.
Pag dating mo sa buhay ko na kay bilis.
Ngunit kay bilis mo din palang mag laho.
Hindi na susuyo.
Lilipat na pahina ng libro at kailangan ng huminto.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required