Mahal, Pasensya Na

Mahal bago ako magsimula
Gusto ko malaman mo na mahal na mahal pa rin kita
Gusto ko malaman mo na kahit gaano ako nasasaktan mahal pa rin kita

Saan kaya ako magsisimula?
Sa una ba, kung kelan kita nakilala?
O Kung kelan ikaw ay nagsabi sa akin na gusto mo ako?
O kung sa mga panahon na parati na tayo nag-aaway?
O ngayon ba?

Mahal, naalala ko pa iyong mga araw na ikaw ay nagparamdam sakin,
Pinaramdam mo iyong pagmamahal mo
Na ako ay hinay2 na nahulog sa’yo
Napusta ko lahat ng puso ko
At ako iyong natalo

Ironic noh? Iyong tao na mahal mo ng sobra
Ay siya rin iyong sasakit sa’yo ng todo
Ako lagi ang sumusugal
At ako ang laging natatalo
Pero kahit ganun, hinahayaan parin kitang saktan ang puso kong ito

Mahal, natatakot ako
Natatakot ako na baka isang araw
Hindi na ako iyong mahal mo
Hindi na ako iyong nasa puso mo
At may papalit na sa aking lugar

Kung dadating iyong panahon na kinakatakutan ko
Mahal, hinihingi ko lang sa’yo na sabihan mo ako
Para ako ay makabitaw na sa kamay mo na matagal na nakabitaw sa akin

Mahal, naalala ko pa iyong mga salita mo na “Hindi pa ako handa”
Iyong mga salita narinig ko mula sa iyong bibig
Mga salita na ayaw ko paniwalaan
Mga salita na sana hindi ko marinig
Iyong mga salita na nakakasakit pakinggan dahil alam ko
Alam ko anong ibig sabihin nun
Iyon ay maghihintay ako sa’yo

Oo, alam kong nagkasala ako
Diba humingi na nga ako ng patawad?
Ganun ba iyon kahirap na patawarin ako kahit ikaw na nanakit sa akin ng ikarami ay pinapatawad ko padin?

Mahal, pasensya na kung dadating ang panahon na ako
Na ako ay magdedesisyon nang bitawan ka
Na ako ay maglalakad na sa kinabukasan
Pero huwag kang mag_alala, Magpapaalam naman ako sa’yo kung kelan iyon

Dahil Mahal, tao lang rin ako
Kahit mahal kita, ayaw ko na ring masaktan ulit
Kahit sinasabi ko sa sarili ko na magiging okay tayo pero hindi
Alam kong hindi tayo magiging okay

Alam ko matagal na
Mahal, alam ko matagal na hindi tayo okay
Mahal, pasensya na talaga
Patawarin mo ako kahit alam kong ang paghihintay ay wala namang mapapala

Kahit sabi mo pa sa kakilala ko na loyal ka sakin
Na gusto mo parin ako pero hindi kapa ready
Naiintindihan ko naman iyon mahal
Kaya mahal, huwag mo ako sisihin kung dadating iyong panahon na hindi na ikaw

Hindi na ikaw iyong nasa isip ko
Hindi na ikaw ang mahal ko
Hindi na ikaw ang inaalala ko
At, hinding hindi na ako magiging sa iyo

Mahal, pasensya na kung naramdaman mo na rebound ka
Mahal, kahit anong rason sabihin ko sa’yo
Alam kong hindi ka maniniwala
Alam kong hindi mo paniniwalaan ang mga nararamdaman ko at mga salita na lalabas sa bibig ko

Mahal, hindi mo alam gaano ako naghihinayang
Mahal, hindi mo alam kung gaano ako naghihinayang na bakit hindi kita pinili
Bakit hindi ako nakinig sa mga salita ng nagmamahal sa akin at mga kaibigan ko na huwag pumatol sa kanya

Hindi ako perpekto mahal
Kaya pasensya na mahal,
Pasensya na sa kasalanan ko
Mahal, pasensya na
Mahal parin kita