Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mula sa masakit na nakaraan, pinili nalang maghintay ng di mo alam. Pero dumating ang panahon na ang puso’y pagod na. At ang sakit ay ramdam ko na,Iniba ko ang dalangin ko para sayo,
Na kung saan dati “sana tayo ang itinadhana” naging “hiling na sa dulo nito ay ang kaligayahan mo.”

Tatapusin ko na nga siguro magmahal sayo
at hihilingin nalang kung saan ka masaya.
Habangbuhay na pagkakaibigan nlng ang ipaparamdam kahit sa loob nito ay ang sakit sakit na.

Di na aasa sa umagang may “kamusta na”
Di na rin hihintayin ang tanghaling may txt na “kumain kna”
At lagi ng sasanayin ang sariling mag isa, dahil tapos na sa pag asang sasabihin mong “mahal pa kita”

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


  • Ngingiti pa din sa araw na walang tawag na sayo’y magmumula.
    Tatawa pa din kahit ang chat mo’y wala.
    Ipagdadasal na lang na ang puso ko’y maghilom na, imbes na umasa na sa huli tayo talagang dalawa.

Tapos na.. tapos na ko sa lahat ng pangarap n kasama ka, at hihintayin na lng ang araw ako ay ikakasal na., di dahil ang puso ko ay pagod na. Kung hindi dahil ang istorya natin ay tanggap ko na.

Pero pinagtapo ba tayo dahil tayo ang tinakda? o pinaglayo rin dahil di pa tayo handa?
Sa mga panahong naging magkaibigan tayo na humantong sa pagmamahalan..
Nagkatampuhan, pero biglang nag iwasan..
hanggang sa di nalang natin namalayan tayo na pala’y nagkakasakitan.

Tinatak ko na sa pangarap ko na balang araw na ang itatakda ay yung salitang “tayo”
Dinalanangin ko narin nasa maykapal, na sana maging parte na ko ng mundo mo.
Ngunit ng lumaon may napansin ako,
bakit ganito?
nasasaktan na pala ako?

Di alam kung maghihintay pa sa pangakong ibinato.
Naging tanong tuloy ang binatawang mahal mo ko?
O maniniwala padin ba na magkakatotoo ang mga dasal ko. Kahit pagkatapos ng ngiti ko ay saka nmng pagpatak ng mga luha ko.

Totoo! Noon… napagod ako, mas pinili kong gumawa ng sarili kong libro,
sa librong ang salitang ” ikaw” ay binura ko.
sa libro na kung saan ang paghihintay ay di ko natamo.
at ang sakit na nararamdaman ay pilit kong maitatago., Pati mga luha ko kailanman ay di na tutulo.

Pero nagkamali ako!.
Dahil sa kwentong binuo ko?
Magkasabay na naglaho ang salitang “ikaw at ngiti ko”
Nabuhay ako sa mga pilit na saya na nasisilayan nyo.
Idinalangin ang kwento na sa panginoon nagmula.
at baguhin nya ang pagkatao at pusong nawala., upang sa ating muling pagkikita.
Matututo pa rin akong maghintay ng di na maiinip, Di na masasaktan, bukal na sa aking kalooban
Hanggang sa dumating ang panahon, na kahit sa akin ikaw ay hindi itinakda., Mamumutawi parin ang ngiti sa aking mga labi,at tatanggapin na ako’y isang bisita na lang sa araw na ikaw ay ikakasal na.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required