Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
“Someday”
I’m on my way home galing opisina. Siksikan sa bus as usual at nakatayo ako. Suddenly, I caught myself stranded sa traffic. Medyo napapapikit na ako sa sobrang antok. This scenario just made my day. “Someday”, a song popularized by Nina just coming out of nowhere, caused me to open my eyes a little bit. Napangiti ako, as I stared on that familiar place whom na gusto kong balikan pagkatapos ng ilang taon. A place na sa tinagal-tagal ko nang nagtatrabaho sa Makati, but never came to me na sumaglit sa lugar na ‘yun. Habang nagpo-progress ang kanta, unti-unti akong bumabalik sa mga panahong wala akong ibang alam kundi hanapan ng “definition” ang salitang “love” na minsan itinuro at ipinaramdam mo sa akin. We do have different definitions of it. As I look back on those days na pilit pinapaalala ng kanta ni Nina habang nakatayo ako sa bus na nakangiti, naalala kita saglit. Parang ayaw kong matapos ang kantang ‘yun at parang ayaw kong umalis ang bus sa stoplight na ‘yun or even prayed to stuck on a traffic just for a while. Just for me to reminisce those times na kasama ka. ‘Yung kasama kita. ‘Yung magkasama tayo…
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
At some point sa buhay natin, wala naman tayong ibang ginusto kundi makaramdam tayo ng pakiramdam kung paano ang magmahal. Kung saan ang salitang “love” para sa atin ay parang pagkain na magbibigay sa atin ng pakiramdam na “satisfied” at kuntento. Kung saan natuto tayong mangarap at bumuo ng mga bagay na minsan “out of this world” ang tema. We tend to to dream na ang lahat ng scenario ay magiging perpekto pag nahanap na natin ang taong bubuo sa mga ganap na ‘yun out of our expectations. Wala tayong ginusto dati kundi ang magmahal, mahalin ng taong mahal natin at mahalin tayo pabalik ng mga taong pinag-uukulan natin ng ganung klaseng pakiramdam. We always wanted a “lovestory” na pang-telenobela. ‘Yung ending na ikakasal ang mga bida at the end. We love to imagine na na-fall-inlove ang isang prinsesa sa isang ordinaryong taga-bantay ng palasyo na kung saan may temang, “Us against the World.” Still, “they lived happily ever after pa rin ang ending ng drama”. Kung minsan, we tend to imagine a love story na nangyayari lang sa isang “fairytail.” Different characters fall inlove with each other defying the odds or even breaking all universal rules just to have a better ending. May mga punto sa buhay natin na parang ganito ang gusto nating maging mga scenario pag nakaramdam na tayo ng pagbilis ng pagtibok ng ating mga puso. Kung saan, ang definition natin ng love ay magpapakilig pa lang sa atin na walang gaanung halong doubt sa kabilang banda…
Pero katulad nga ng ibang kanta, malapit na ring magtapos ang kanta ni Nina habang unti-unti nang umuusad ang bus paalis sa lugar na ‘yun. I almost forgot na malayo na pala ako sa lugar na kung saan gusto kong ma-stuck for a while. I just realized na hindi lahat ng expectations mo sa buhay ay magiging reality in the end. At some point dito, may mga bagay na umaalis. May mga bagay na dadaan. May mga bagay na napapalitan at mga bagay na dapat ‘di na kailangang mag-stay. Ayaw kong gumamit ng word na “tao” kasi on general, ma-co-consider mo rin silang mga bagay pag negative na ang definition mo ng “love”. ‘Nung malapit nang matapos ang kanta, naisip ko lang na, masarap pala ang umiyak minsan pag ‘di mo na talaga kayang pigilan ang luha mo. May mga pagkakataon tayo sa buhay na hindi natin pinilit na maging malakas pero kailangan nating maging malakas para maka-survive and crying is the best way para ‘dun. After ng disaster na’yun, umaasa pa rin tayong one day, may hahawak sa kamay natin at ‘yung tipong hindi na tayo bibitawan. ‘Yung taong parehas ng mga pinapangarap natin. Nangangarap tayo na someday, mare-reliazed ng mga nang-iwan sa atin kung gaanu tayo ka-“worth-it” to stay with at ipaglaban. Na someday, umaasa tayong may magmamahal sa atin kung paano natin gusto tayong mahalin. Umaasa tayo na balang araw, makakaahon tayo at ‘di matatagalan sa kakaiyak. Na someday, makakalimutan natin ‘yung mga taong nagpaiyak sa atin at ‘yung tipong ayaw nila tayong makitang umiyak. ‘Yung taong mag sti-stay kahit wala na siyang ibang rason but he refuse to leave. ‘Yung taong ipaparamdam sa atin na masarap ang magmahal at mahalin pabalik ng taong mahal natin…
Habang patapos na ang kanta, I called it a day. Sometimes, di naman masama ang mag reminisce ng mga bagay na nakasakit sa atin. That one person na gusto nating makasabay at maka-stuck sa traffic. ‘Yung taong magpapa-alala sa atin na kahit papanu, masarap pa rin ang magmahal sa kabila ng paulit-ulit tayong nasasaktan. Just don’t forget to get up once na madapa ka ulit. It’s not the rule of life that gives us so many reasons to give up. It’s the rule we set for ourselves to surrender. Hindi naman kasalanan ng mundo kung bakit umuulan pag gusto natin na uminit. It’s not always our expectations ang masusunod. It’s a universal rule na kailangan nating umiyak kapag masyado nang mabigat ang ating mga mata. We do have different love stories at ito ang isa sa mga bahagi ng kwento ko na gusto kong balik-balikan…
“Gusto kong paulit-ulit na ma stuck sa traffic kung ‘yun lang ang pwede para kahit papanu maalala kita at mapapangiti ako kahit saglit lang.”
Photo Credit: Google on Display