Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bakit sa twing nakikita kita naiisip kong “bakit ikaw pa?”

Sa dinami dami ng aking nakilala, bakit ikaw pa?

Naiisip ko kung sana wag na muna.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Na sana hindi na muna kita nakilala sa ngayon.

O sana hindi nalang talaga tayo nagkita simula pa noon.

Kasi hindi ko maiwasang mapaisip minsan na tayo nga ba para sa isa’t-isa o sadyang may nakalaan sa atin na iba?

Hindi ko maiwasang magtanong kung pwedi nga ba o hindi talaga?

Ngunit nagpag-pasyahan kong hindi na muna pagtuonan ng pansin ang mga bagay na iyan kasi hindi ko alam kung ano nga ba’ng dala ng bukas.

Ang bukas na hindi natin parehong hawak.

Pinapahalagahan ko nalang sa ngayon kung anong meron tayo. Pagka-kaibigan.

Sobrang lapit ko na sayo pero ang layo mo.

Kung nakalaan man tayo sa isa’t-isa o hindi, masaya ‘ko dahil nakilala kita.

Lahat ng “BAKIT” at “SANA” ko noon ay ‘tinago ko na.

Ipapahinga ko na muna ang puso kong umaasa at maghihintay sa panahong itinakda Niya (Diyos). Baka hindi nga kasi talaga tayo tinadhana at masayang lang lahat ng panahong dapat masaya lang tayo kasama ang tropa.

Wag kang mag alala. Pinagdarasal ko naman na sana dumating ang isang umaga na paggising ko e wala na ‘tong nararamdaman ko para sa’yo. Hintay lang, makakalaya din ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required