Minsan kahit gaano mo kamahal yung tao

Di kailanman magiging sapat na sya ay yakapin mo at sabihin na andito lang ako

Minsan kahit anong sakit na nilulunok mo mahawakan mo lang ang kamay niya at sabihin na halika ka wag mo na ulitin ha

Minsan kahit anong iyak mo ang mga tao ay di na kayang magbago.. At Ikaw ito..

Mali ako na kinamusta kita

Mali ako na sinabi ko na mahal pa din kita kahit ang sakit sakit na

Mali ako na inakap kita, pinatawad at hinawakan ko ang mga kamay mo sambit ang salitang tayo na at ayusin natin itong dalawa

Mali ako na bumalik pa ako sayo dahil ikaw din palay babalik sa kanya, Nawala lang ako saglit, Nagulat na lang sa nakita at narinig.. Bumalik ka sa kanya, Sa taong naging dahilan ng lahat ng pagkasira ng relasyon natin dalawa.

Kayat naisip ko..

Minsan di sapat na ibigay mo ang lahat

Minsan di sapat na andyan ka at handa kang patawarin sila kahit ilang beses na niloko ka

Minsan di din sapat na pagmasdan mo sya at sabihin na okay lang lahat basta andyan ka

Minsan kailangan mo ng kalimutan ang salitang mahal kita para matuto kang wag magpakatanga

Minsan kailangan mo ng pakawalan ang mga tao kahit gaano mo man sila kamahal dahil kailanman di magiging ikaw at di nila kayang gawin ang nagawa mo para sa kanila

Kayat uulitin ko.. Mali ako..

Mali ako na minahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko

Siguro nga eto na ang panahon na ako naman ang hahawak ng mga kamay ko, aakapin ko naman ang sarili ko kapag nanlalamig ako at mamahalin ko naman ang sarili ko higit sa pagmamahal ko sayo.

siguro nga pagmamasdan na lang kita sa malayo. Ipapanalangin na sana ay ok ka..

sasabihin ko muli..  di na kakamustahin, hahawakan, aakapin at pipilitin ko ang sarili ko na di ka na mahalin. magiging ok din ako.