Maligayang Isang Taon

Maligawang Isang Taon

Sa tinagal-tagal ng panahon.
Matagal na panahon kong hinintay itong pagkakataon.
Maraming beses din akong hinamon.
Mga nakaraang pag-ibig na di umabot ng isang taon.

Hinding-hindi ko sasayangin kung ano ang meron tayo ngayon.
Lalo na’t kusa kitang hiningi sa Panginoon.
Sa bilis ng panahon,
Hindi man lang natin namalayang umabot na tayo ng isang taon.
Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon.

PAGKAKATAON na ika’y suyuin.
PAGKAKATAON na ika’y mahalin.
PAGKAKATAON na ika’y paligayahin.
PAGKAKATAON na ika’y maging akin.

Ilang beses ko nang nasabi itong mga salita.
Sabi ko dati na hanggang ngayon hindi ko inakala.
Na makakatanggap ako ng biyaya.
Isang magandang dalaga.
Na ngayon ay akin ng nobya.
Balang araw ay akin ng magiging ASAWA.

Aking panalangin ang mas matibay pa nating relasyon.
Yung tipong hindi na natin alam kong ilang taon.
Kasi nga nasa puso at isip na natin ang pang habang panahon.

MAHAL na MAHAL kita alam mo yun.
MAHAL na MAHAL moko at alam ko yun 😍
MALIGAYANG ISANG TAON!
AT SA MARAMI PANG TAON 😘💙💚

Exit mobile version