“Mama”
Pitong buwan lang ako sa sinapupunan mo ay inilabas mo na ako
Batid ko ang sayang umusbong sa puso mo nang ako’y masilayan mo
Mula sa pagiging mahinang supling ay lumakas ako
Natutong tumayo, maglakad, magbasa at magbilang ay ikaw ang kaagapay ko
Dumating sa puntong nagdalaga ako at nagkagusto
Hindi ka parin nagsawang pangaralan ako
Nandon ka sa tuwing kailangan kita,
Sinamahan moko sa lungkot at saya.
“Mama” tawag ko sayo isang araw
Nilingon mo ako ng may nakalilok na ngiti sa iyong labi
“Anak, proud sayo si mama” yan ang iyong sabi,
Agad ko namang naramdaman ang yakap at halik mong nag uumapaw
Ngunit habang tumatagal ay pumapayat ka
Alam kong sanhi lang ito ng pagtanda,
Gustuhin ko mang pigilan ay hindi ko magawa,
Tanging hiling ko lang ay magtagal at lumakas ka pa.
Hindi nagtagal nasilayan mo ang apo mo sakin,
Minahal mo sila ng parang noong ako ay supling
Nilubos ko ang bawat araw na ikaw ay kapiling
Dahil alam ko, kukunin ka din ng Diyos sakin.
“Anak” mahinang sambit mo
Ito na ata ang kinakatakutan ko
“Mahal ka ni mama” yan ang sabi mo
Kasabay non ang pagbitaw mo sa yakap ko
“Mama” salamat sa lahat
Pasasalamat ko ay hindi magiging sapat
“Mahal na mahal po kita!” “Paalam na po”
Hindi ako naririto kung hindi dahil sayo.