Ako yung taong puro salita sabi nga nila

Pero hindi nila alam na lahat ng aking ginagawa

ay para sa kanila, Dahil ang mga nagsasabi nito ay ang aking pamilya

Yung malaya kana man pero bakit parang nakakulong ka

 

Nakakulong sa malalagim na salita ng iyong ama’t ina

walang nakitang tama kundi puro panghuhusga

Paano ba maging masaya?

Paano nga ba luluha sa harapan nila? Kaya magtatago nalang

 

Paano nga ba sasaya sa harapan nila? Kaya magtatago nalang

Nagumpisa sa panghuhusga hanggang sa naging katotohanan nalang

Papasukin ang panandaliang saya sisirain ang buhay

dahil ang mismong bahay ay sinisira ka

Kailangan ko ng pangunawa hindi panghuhusga Kailangan ko kayo! Hindi sila