Mag-aaway, magbabati
Paulit-ulit
At pagkatapos ng pagbabati,
Mapapatanong na lang ako sa aking sarili
“Kaya pa ba? Okay pa ba?’
Nakakapagod..
Nakakapagod, pero wala.
Sobrang mahal kita eh.
Kaya kahit mahirap,
Kahit mapagod
Hindi ako susuko
Ganun naman talaga diba?
Kapag mahal mo, titiisin mo lahat.
Mapapagod, tapos magpapahinga.
Walang susuko..
..pwera na lang kung ayaw mo na.