Current Article:

Marami Pa Kami: Statement ng mga Natitirang Matitinong Lalaki

Marami Pa Kami: Statement ng mga Natitirang Matitinong Lalaki
Categories Relationships

Marami Pa Kami: Statement ng mga Natitirang Matitinong Lalaki

Maaaring isa kami sa mga taong nakakasalubong niyo sa araw-araw:

Nakasalubong mo na kami habang naglalakad kami ng madaling araw para magsamba
Papunta kami ng palengke para bumili ng pangsahog sa niluluto ng nanay
Natalsikan ka namin ng putik habang nagwawalis kami sa harapan ng bahay
Nakita mo kami nung dumungaw kami sa kusina na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan
Nakasalubong mo kami na pagod na pagod galing trabaho
Nakasalamin at kakalabas lang galing ng library para magreview
Pawis na pawis kakalinis ng bahay nang dumaan ka para mag-mall
Nakasalubong mong may bitbit-bitbit na “Bible”

Yung china-chat mo tuwing gabi para magpaturo ng assignments mo sa Algebra
Yung tini-text mo kapag may problema ka sa thesis mo sa “Arts at Media”
Yung tagapayo mo tuwing may problema kayo ng boyfriend mong bingi
O di kaya’y, di ka pinansin ng crush mong bungi
Hinahanap ka sa bahay niyo dahil gabi na at ‘di ka pa nakauwi
‘Di ka man lang masundo ng bf mong ‘di pa toot, hehe
Yung taga-libre mo ng fishball sa kanto
Yung tagahawi ng mga bato sa dinadaanan mo
Taga-pamasahe mo pag short ang allowance at kulang ang barya
Ang palagi mong tinatawag na “Kuya”

May mga tattoo kami sa katawan pero mahilig sa alagang pagong
Naka-shades at motor pero taga-sundo ng bunso namin sa school
Naka-kotse, pero pang-deliver ng gulay pambenta sa palengke
Nakaupo sa “Starbucks” pero gumagawa ng “Sales Report” sa trabaho
Naka-uniporme pero nagbabaon ng tubo para magkatubig kayo
Naka-laptop sa “Mcdo,” pero nakiki-wifi lang
Oo, para matapos namin ang report mo sa subject mong “Law”
Makakasalubong mo kaming laging may bitbit na mineral water
Yun lang ang nakayanan eh, mahal kasi ang mogu-mogu

Mas preferred pa rin namin ang manligaw sa bahay niyo
Kaharap nanay, tatay, lolo, lola at mga kapatid mo
Preferred pa rin naming dalhan ka ng bulaklak at chocolates
Mas bet ka dalhin sa mga park kesa sa mga mall
Susulatan ka ng love letter instead of sending text messages
Yung nakasulat sa “stationery” na may spray na pabango
Hindi yung kinapi-paste lang sa Google at pina-print sa computer
Yung yayayain ka magsimba kesa sa uminom
Yung yayayain kang magpiko at tumbang preso
Kesa mag-live sa Facebook at tumagay sa kanto
Yung haharanahin ka gamit ang makalumang gitara
Hindi yung makikilala kita galing sa “reto” ng iba
Yung tuturuan ka magsaing imbes manigarilyo
Gugustuhin pa naming mag-pajama ka buong araw
Kesa naman sa maiksing short na nakadungaw naman ang yung bahaw
Yung yayayain ka sa concert ng “Hillsong United”
Hindi sa mga concert na ang mga kanta ay may “Parental Guidance” at rated
Yung magsa-suggest na manuod ka ng “Mr. Bean at Spongebob Squarepants”
Kesa sa mga palabas na puro nakahubad at walang mga pants

Maaaring isa sa amin ay nakasalubong niyo na sa daan
Maaaring nag-message kami sa inyo pero si-neen niyo lang
Maaaring na-tag namin kayo sa mga memes pero nilaktawan niyo kami sa mga notifications niyo
Para kaming mga “Files” na lagi niyo hina-hide
Bubuksan lang kung kelan niyo kailangan at ia-unhide
Pero okay lang ‘di naman kami nagagalit eh
Pero sigurado, pag kami pinayagan niyong sa inyo manligaw
Ah, naku…kasal na kaagad at magpapatumba kami ng kalabaw

Marami pa kaming matitinong lalaki na natitira
Yung iba o karamihan, tinatawag niyong kuya…

Parkenstacker