Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Siguro iniisip mo kung kumusta na ako ngayon at masasabi kong ayos naman ako.

 

Masaya ako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Masaya naman ako.

 

Masaya naman ako pero kahit matagal tagal na rin mula noong huli tayong magkausap, pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa’yo.

 

Palagi ka pa rin sumasagi sa isip ko.

 

Naiisip ko rin kasi kung kumusta ka na kaya? Nasa maayos ka bang kalagayan? Sino dumadamay sa’yo kapag pakiramdam mong pagod ka na?

 

Sana naman ayos ka lang kasi isa ako sa unang magiging masaya kapag masaya at nasa maayos kang kalagayan.

 

Pinagdarasal pa rin kita. Pinagdarasal kong maging masaya ka at mahanap mo ‘yong comfort na hinahanap mo. Pinagdarasal kong maging masaya ka sa lahat ng bagay na ginagawa mo.

 

Pinagdarasal pa rin naman kita pero mas pinagdarasal ko na samahan at tulungan ako ni Lord na makaalis sa sakit na hindi mo alam na idinulot mo pala. Pinagdarasal kong maging masaya na rin ako nang tuluyan kahit hindi ko na makita ang pangalan mo sa messages ko. Pinagdarasal pa rin kita kahit hindi ko na ramdam ang presensya mo. Kaya huwag ka mag-alala at sana isipin mo lang na masaya ako.

 

Masaya naman ako sa ngayon pero sa kaibuturan ng puso ko…

 

…gusto kong makarating at maramdaman ang saya na wala ng karugtong na salitang naman atΒ pero.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required